Post
Topic
Board Pilipinas
Re: CX - The Philippines' First Digital Currency Exchange
by
goodvibes05
on 24/02/2018, 22:47:18 UTC

 

Dahil may pakpak ang balita, for sure narinig niyo na ang CX.

Ano nga ba ang CX?
Ang Coins Exchange (o CX), ang kauna-unahang exchange sa Pilipinas, hatid sa atid ng coins.ph! Sa CX, mas mababa na ang fee, mas mataas na ang limit at makakapag-exchange na tayo directly from cryptocurrency to PHP!


Ano ang difference ng CX at coins.ph?
  • Digital wallet ang coins.ph, kung dito tayo bibili o magbebenta ng BTC, coins.ph mismo ang ka-transact natin.
  • Ang CX naman ay isang exchange, tulad ng binance, bittrex, poloniex, mga katulad lang din natin na ordinaryong tao ang ka-transact natin.
  • Sa coins.ph, kung ano ang current price ng BTC, yun lang ang buying at selling price.
  • Samantalang sa CX, tayong mga users mismo ang maglalagay sa price at hindi ang CX.


Ano ang mga cryptocurrency na pwedeng i-exchange?
Sa ngayon, Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), Ripple (XRP), Litecoin (LTC), at Bitcoin Cash (BCH) palang ang available. For sure, dadami din ito.


Ano ang mga limits sa CX?






Wala akong coins.ph account, magagamit ko pa din ba ang CX?
Sa ngayon, available lang ang CX sa mga existing coins.ph users. Kapag nag-open na ang public registration, kailangan ng mga bagong customers na gustong gamitin ang CX na gumawa ng coins.ph account at i-verify ito, at magrequest ng access mula sa coins.ph support team.


Coins.ph user ako, paano magsimula?
Ang CX ay kasalukuyang nasa private beta pa lamang. Upang mag-request ng early access, mangyaring pumunta sa https://exchange.coins.asia/trade.html at i-click ang "Register".


Helpful links at higit pang detalye:


Masaya ba kayo na posible na ang magtrade from crypto to PHP? Ano ang thoughts niyo sa CX? Smiley
 
 

Maganda ito para sa ating mga Pinoy. Madali natayong makakapagtransact at makakapag exchange from any tokens to Php. Depende na lang kung mas gusto ng iba mg btc, it's a matter of choice pa rin. Ang mas lalong ikinagabda nito ay mas mababa ang fee at magiging madali ang benthan ng mga tokens. Kung ang CX exchange ay nasa beta testing pa lamang, sana maging maayos ang lahat ng mga test at maging successful ang beta testing nila, nang sa gayon ay hindi magkaproblema kapag marami na ang gumamit CX exchange.