Ang nakikita ko is that dapat magkaroon kahit papano ng merit source ang bawat local forums since hindi naman lahat ay native english speakers.
Dapat balance ang allocation ng merit kahit hindi ito nasa English dahil sa mga local thread mas madaling iparating sa kapwa natin ang impormasyon na nakaTagalog at kung ito ay nakakatulong rin sa kapwa natin e dapat mabigyan rin ito ng merit.
Ang labanan kasi sa labas e pagalingan maipresenta ang iyong opinion na may saysay at makabuluhan sa English na nakakabawas sa change ng kapwa natin na earn ng merit bukod sa sarili nating board. Nababasa ko rin kasi dito sa thread natin na may mga nahihirapan makaintindi sa mga pinaguusapan in English na hindi sila ganun kagaling na makaintindi at makareply agad sa mga threads outside ng local board natin kahit na ang 2nd language natin dito sa Pilipinas ay Ingles.