Sa mga tulad ko nahihirapan sa pagsali sa mga campaign dahil mahina sa english mayroon po akong konting tip kahit papano baka makatulong sa inyo,subukan nyo ang mga sumusunod:
1:manood ng mga movies na tagalog with english sub title
2:ugaliing magbasa ng mga news sa twitter regarding cryptocurrency
3:mag download ng english tagalog dictionary for free sa inyong mga mobile.
Sana po makatulong sa inyo at kung mayroon po kayong mga suggestions or idagdag pa pls pa share para sa karagdagang kaalaman.
Another tip? Magbasa ng mga broadsheet na dyaryo (former journalist here in high school hehehehe) katulad ng Philippine Star, Manila Bulletin, at Philippine Inquirer. Magkano lang naman isang ganyang dyaryo? 30 pesos - 40 pesos ata? Since elementary ako, nagbabasa na ako ng mga ganyang dyaryo kaya lalong lumawak vocabulary ko at skills sa english. Saka maganda din magbasa ng mga magazines (nung bata ako, K-zone lagi kong pinapabili sa NBS). Informative na, aangat pa english skills mo.