Hindi ko masyadong naintindihan ang topic kanina dahil sa english ito pero nakuha ko naman kung ano ba talaga ang ipinahihiwatig ng topic nato?
Mas lalong mahihirapan ang mga jr.members para mag rank up kung dadagdagan ang required merit para sa pagiging member dahil sa 10 lang ang required na para dito madaming new accounts ng mga alts ang madaling nag rank up sa member. In favor ba ang community at si theymos sa mga proposal na ganyan?
Para kay OP pwede naman po itagalog yung topic dahil nandito naman tayo sa sub forum. Karamihan kasi satin dito hndi masyadong nakakaintindi ng english kaya dapat talaga tagalog lang. Mas makakatulong talaga ito sa mga taong naghahanap ng impormasyon dahil maiintindihan talaga ito ng mabuti.
Tama ka dyan ka bayan, dapat tagalog talaga ang mga post natin sa ating thread dahil tayo naman ay mga pilipino rito, una tulad ng sinabi mo marami talaga sa atin ang hindi maitatanggi na hindi ganon kagaling mag english, so paano maslalaong makakatulong ang impormasyon na ipopost natin dito kong Philippines thread na nga English parin.
Tama iyon talaga ang pinupuna ko. Hindi naman sa hindi talaga tayo marunong mag english pero kailangan din natin gamitin ang sarili nating language para sa lahat. Karamihan din sa ating kababayan pumasok lang dito sa forum para makasali sa mga bounty campaigns at wala man lang alam sa crypto. Dahil madami satin dito undergraduate which means walang matinong trabaho kaya bigyan natin sila ng opportunidad na matuto kahit sa pag explain lang ng kailangan nilang gawin atleast makakatulong na tayo kahit papano sa iba.
Kahit ako isa akong tambay at hindi man lang ako nakapag college sumasideline lang din ako dito gaya ng Airdrops, Signature at tumutulong sa mga whitepaper translations marunong din naman ako mag english kahit papano.