Guys kasi may pangpuhunan na ako sa AntMiner kaso hindi pa onhand naka ETH pa sya ano kayang maganda MINING gamit Antminer or Magtrade na lang? kasi pag trading malaki rin kita at alam ko sa traders ay may daily profit sila eh sa Mining matagal pa bago mabawi puhunan. Ano ba talaga ang mas maganda Mining or Trading??
trading ang pinakamagandang profit kasi dito hawak mo ang pera mo mabilis mong mapapaikot ang pera mo. sa mining kasi matagal mo pa makikita ang resulta ng puhunan mo, sa trading basta alam mo ang tamang coin na dapat mong alagaan siguradong minuto pa lamang may kita kana agad.
kahit ako trading para sa akin ang profitable kasi kahit sa maigsing minuto o oras pwede kana agad kumita at ito rin ay dipende sa puhunan na ilalagay mo dito. syempre kapag malaki ang kapital malaki rin ang profit pero kapag maliit ang puhunan mo maliit lang rin ang balik ng pera mo
Tama, kung profit ang pinaguusapan mas ok parin ang trading kaysa mining. Sa mining kasi masyado malaki ang kailangan na puhunan na kailangan mo bago ka makapagsimula ng pagmimining mo. Medyo mababa ang profit ang makukuha mo lalo na kung isang mining rig lang ang gagamitin mo, masyado magastos sa parts at kuryente at need mo pa ng malakas na internet hindi yung putol-putol na internet connection. Additional problem sa mining rig, computer parts maintenance, monthly electricity bill - asahan mo malaki ang babayaran sa kuryente lalo na ngayon nagtataas nanaman ang singil. Focus ka muna sa trading pagaralan mo maigi lahat ng kailangan mong matutunan para mas lumawak pa ang kaalaman mo patungkol sa trading at mas malaki ang kikitain mo.