Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Solar and Wind Power for Miners of Cryptocurrency in PH.
by
Blake_Last
on 03/03/2018, 06:33:55 UTC
Ayon sa news na ito ay naglunsad na ang Company ng Optimus Energy para sa mga miners ng bitcoin at altcoin dito sa Pilipinas sa mas alternatibong paraan gamit ang solar panel at iba pang mga kagamitan sa pag mimina,May bago silang office o branch sa cebu at karamihan na dito ay nalagyan na nila ng solar panel gaya ng SM Cebu City.

https://optimusenergy.ph/category/philippines-renewable-news/philippines-solar-news/

Sa tingin ba natin ang offering nilang ito sa pagbenta ng supply ng kuryente ay mas mainam na paraan kumpara sa power na galing meralco?Wala kasi silang pahayag na detalyado para sa mga miner at ang nakapag tataka ay bakit hindi pa umuusad ang proyekto nila sa buong Metro at Mega manila.Sana maging aware ang ibang miners dito kung epektibo ba ang pag gamit ng solar panel sa pag mina dahil isa rin ako sa gusto sumubok nito sa pagmimina pero alam natin ang gastos at konsumo sa kuryente na galing meralco.

Ayon na rin kasi sa ibang consumer at user nito ng solar panel ay napakamahal ng presyo o gagastusin.
Narito ang price ng mga solar panel na available na talagang mamahalin ang presyo.
https://optimusenergy.ph

I agree with those consumers. Isa yan sa dati talaga namin binabalak, magseset kami ng mining farm doon sa location ng kakilala namin sa probinsya tapos ang gagamitin sana namin na kuryente ay yung magegenerate mula sa solar panels. Pero ng makita namin yung presyo ng panels, yung nasa 42 inches palang ata yun, nasa 100k+ na. Sobrang mahal kung tutuusin lalo na kung hindi naman kadamihan ang binabalak mong i-set na miners. Yung mga ganun kalaki na solar panels ang pwede palang niyang mapatakbo ay isang ilaw at isang electric fan na magdamagan. Kulang na kulang yun kung tutuusin. Ang isang antminer s9 (14 TH/s) na balak namin bilin noon ay nagkoconsume ng halos 1372W o 1.372 kWh, eh ang balak namin lima. So 1.372 x 5 = 6.86 kWh. Halos anim na 1.06kW solar kit ang kakailangan namin at kailangan namin gumastos ng 600k+ para lang doon.  Kung ganun kadami baka abutin na ng dalawa hanggang tatlong taon hindi pa kami naka ROI. Kaya kung sa akin lang, hindi ko marerekomenda na magmine gamit ang solar panels. Sa laki kasi ng gastos parang malabo mo din na maabot ang gagastusin mo sa kanila at dagdag mo pa yung gagastusin mo sa pagset ng rig mo.