I think if there is someone who can do this, maybe those other people that are not knowledgeable in Bitcoin will become educated. Ano sa tingin niyo?
Kung ako po ang tatanungin ay parang hindi na din po siya kailangan kasi ilang beses na din po siyang namention sa mga mainstream media katulad ng mga nabanggit dito ng mga kasama natin sa forum. Pero since traditional nga po tayo, hindi masyado talaga siya kakagatin. Majority kasi ng mga pinoy ay mas preferred ang fiat or tangible cash kaysa sumuong sa digital assets. Isa pa, hindi pa po kasi ganun talaga ka-advance ang ating bansa para maging full blown ang pagtanggap sa Bitcoin o anumang cryptocurrencies. Hindi din po kasi ganun kalawak at kadami ang may access sa internet dito sa atin, which we know is important pagdating sa anumang may kaugnayan sa paghandle ng virtual assets. Kung gusto mo makapagtransact ng Bitcoin or anything related dito ay kailangan ng access sa internet and we know hindi pa po siya ganun kaaccessible sa lahat ng pinoy.
Siguro kung ako po ang tatanung mas dapat pagtuunan muna po natin ng pansin ang improvement sa connectivity dito sa atin at advancement na din ng ating teknolohiya. Once na yan magawa po natin, doon palang natin siguro maaring maipasok ang total acceptance ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies, at maging na din siguro ang tuluyang pagiging mainstream nito, dito sa atin.