pwede naman kahit gpu lamang ang gamit kasi yung tropa ko yun po ang gamit at balak nya nga bumili pa ng bagong labas ng asus ngayon na mother board.. yung daming slot ng gpu. profitable pa rin naman sabi nya kailangan nga lamang marami ang unit na gamit mo dito
Pwedeng-pwede. Ang nakikita ko lang na problema ay sobrang napakamahal ng mga hardware sa ngayon, kahit na ung pinakamababang GTX, gaya ng 1050Ti ay nagkakahalaga na ng Php16,000. Kaya kung meron kang desktop computer at lalagyan mo ng 1 GTX 1050Ti, kelangan mong mag-upgrade ng power supply, ram at additional fan. Ang hashing power ng 1050Ti ay nasa 12 Mh/sec, so ang tanong, kailan mababawi ang mga ginastos? Sa aking palagay over 1 year. Kasi, Last Dec 2, 2017 bumili ako ng 1 Palit GTX 1050Ti Php7500 (mura pa noon) at inilagay ko sa deskop PC ko na Intel i7 processor at mag-pahangga ngayon ito pa lang ang namimina ko,
0.045713374448 ETH at
0.020747595262 XMR