Sa tingin ko naman ready na ang bansang Pilipinas sa pagaccept ng bitcoin. Kung ngayon palang hindi pa naman talaga legal ang bitcoin sa bansa, Pero marami at parami pa ng parami ang patuloy na tumatangkilik sa cryptocurrency. Handa rin naman ang mamamayan ng Pilipinas sa pagbabago at sumunod kung anu ang masnkakabuti para sa kanila, at mabigyan pa ng pagkakataon ang ibang mamamayan ng Pilipinas na matuto at maintindihan ng mabuti ang paggamit ng cryptocurrency sa bansa at makadaragdag pa sa pangaraw-araw na kita. Kilala naman ang bansang Pilipinas na isa sa mabilis makap-adopt at mabilis makapag-adjust sa pagbabago sa kapaligirin at ekonomiya. Hindi naman masama ang pagpapataw ng tax sa bitcoin holder, lalo na kung para sa bansa rin naman gagamitin ang makukuhang tax sa bawat transaction.