Maganda siguro kung magkakaroon din tayo dito sa local ng mga task na mag rereward ng merit para makatulong sa mga baguhan nating kasama.
Upang magkaroon ng chance ung mga baguhan na kababayan natin na tlgang focus dito sa BCT, mas magandang magtulungan nalang tayo dito dahil sigurado ako at tiwala na madaming mga member dito na quality poster din.
Syempre dapat magkaroon tayo ng initial review sa bibigyan natin ng merit dahil baka shitposter tapos nanalo lang sa event kaya nagkamerit.
Hindi ba ito against sa gusto ng admin? Saka kilala mo naman tayong mga pinoy gusto agad agad. Malamang maabuso to kung mangyari man.