Gusto ko sanang bagohin ang patakaran ng merit system, kasi na pansin ko maraming mga bagohan ang mararami ang merit pero hindi good quality ang mga post nila, kaya gusto kung bagohin ang patakaran ng pag bibigay ng merit kasi maraming gumagawa ng grupo para lang mag pasahan ng merit points. Gusto ko sana ang moderator na lang natin ang magbibigay ng merit points sa bawat miyembro ng bitcoin para masabi talagang patas ang pagbibigay ng merit.
Mukhang malabo itong mangyari kabayan dahil ito ay labag dahil ang palitan ng merit ay pinagbabawal at lalo pa kung gagawa tayo ng grupo para lamang dito. Kung tutuusin nakakapag post naman tayo kahit di na dadagdagan ang merit natin, yun lang di tayo nag rarank up subalit mabuti parin ito para mabawasan ang spam. Kahit anong gawin natin o ipanukala mukhang di rin ito aaprubahan ng nakakataas.