Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 3 from 2 users
Mt. Gox pan-samantalang pinatigil ang operasyon sa pagbebenta ng cryptocurrency
by
darkrose
on 12/03/2018, 22:52:43 UTC
⭐ Merited by Jdavid05 (2) ,boybitcoin (1)
           Sa mga di nakakaalam ang Mt. Gox ay isa sa mga pinakamahalagan crypto exchange sa merkado sa buong mundo na base sa Shibuya, Tokyo, Japan. Eto ay nahack noon 2013/2014 na namamahala ng 70 porsyento ng bitcoin transakayon sa buong mundo. At ng taon 2014 nag anunsyo ang kumpanya na eto na nawalang sila ng 850,000 worth of Bitcoin.

          Sa nakalipas na mga araw, ang Bitcoin at ang merkado ng cryptocurrency sa pangkalahatan, ay nakaranas ng medyo mabilisan pagbaba ng halaga. Naniniwala ang karamihan ng nakalipas na araw kaya bumaba ang halaga ng bitcoin ay dahil sa mga fud, ngunit ang katotohanan ay bahagyang naiba.
            
        Naniniwala ang ilang analyst sa merkado ng cryptocurrency kaya bumaba ng mabilasan ay dahil sa pagbebenta ng 35,841 BTC worth $362 million and 34,008 BCH worth $45 million ng isa sa nangangasiwa ng Mt. Gox.                          
        
          Sa ngayon ay mayroon mga pinagkakautangan o namuhunan na naghahabol sa mga nawalang bitcoin noon mga nakalipas na nagdaan taon dahil sa pagkahack, kaya samantalang pinatigil ng japan ang operasyon ng Mt. Gox hanggang setember, upang ayusin ang issue tungkol dito at dahilan din sila sa mabilasan ng pagbaba ng halaga ng cryptocurrency sa merkado.

         Ang tanong posible kaya na bumalik na sa $20k ang halaga ng bitcoin o patuloy na babagsak ang halaga sa hakbangin na ginawa ng japan sa Mt. Gox???