Post
Topic
Board Pilipinas
Re: KYC( know your costumer)
by
Blake_Last
on 17/03/2018, 14:11:38 UTC
Willing ba kayo mag KYC sa pagclaim ng mga token sa Bounties at Airdrops???

Yes. Sa totoo lang makikita mo na lehitimo at legal ang isang ICO kung mayroon silang KYC na hinihingi sa mga customer nila at kahit sa mga participants na sumasali sa kanilang bounty or airdrop. Kapag mayroon kasing KYC ipinapakita lang nito na tumatalima sila sa ipinapatupad na mga regulasyon ng bawat gobyerno, partikular na yung may kinalaman sa SEC. Maliban pa diyan, kapag mayroon ding KYC ang isang startup ay nagpapatibay din ito ng kanilang kredibilidad at ipinapakita lang na handa silang tumalima o sumunod kung sakali mang kailanganin nilang magbigay ng impormasyon na gagamitin kung may kaso halimbawa na paglabag sa AML act. Kaya kung tutuusin walang problema diyan.