Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Paano ba I-trade Ang token/coin
by
Blake_Last
on 19/03/2018, 14:10:12 UTC
Mga pre nakalimutan ko pa lang itanong Ang isa pang bagay na palaisipan pa sa akin.

Kapag ba magsend kana ng token/coin mo sa exchange na kung saan doon mo ito pwede ibenta, gagawa ba ako ng panibagong wallet address doon mismo sa exchange site na yon na gagamitin para doon ko naman sa address na yon ipapadala ang ERC20 itoken/coin ko or doon papasok ang tinatawag na "import your wallet address", at kung import wallet ang gagawin paano ginagawa Ito?


Bawat exchange po may deposit address sila na magsisilbi pong wallet mo kapag magte-trade ka ng coins doon sa kanilang platform. Halimbawa ang gamit mo pong exchange ay Binance at gusto mo i-trade na ang tokens mo sa kanila, kunin mo lang po yung deposit address ng coin/token na gusto mong i-trade at doon mo po ipadala sa deposit address ng coin na yun yung gusto mo i-trade. Pero dapat may balance ka pong ETH kung balak mo ipasa yung tokens mo galing sa gamit mong ERC20 compatible wallet kasi yun ang magsisilbi gas para maitransfer mo po yun.

Once na maitransfer muna po yung tokens mo sa exchange wallet mo, pwede muna po yun i-trade.



Maraming Salamat po ulit sa lahat. Pasensya po sa maraming tanong interested talaga ako to learn this thing at maintindihan ng malinaw kaya dito ako nagtanong sa local board aside from this, iniiwasan ko Kasi ang maraming spamming replies na masmagpapagulo sa in-expect ko na sagot. Kaya after ng mga helpful na sagot po ninyo Dito gusto ko Ito na i-lock at hanapin Ang isang Nabasa ko Dito about sa trade at I post doon Ang URL address nito. Para kung may ibang newbie man na tulad ko na gusto malaman ang ganitong usapan at mabasa nya Ang topic about trading at makita nya address nito, at least madali nyang mahanap.

Napansin ko Kasi na confusing sa mga beginners tulad ko Ang ganitong gawin. Gusto ko rin makatulong sa mga tulad ko gaya ng ginagawa nyo.

Thank you all guys.

Wala pong anuman sir. Hopefully, sana makatulong ang ginawa po naming reply sa'yo. Kung may karagdagan ka pa pong katanungan, post mo lang po at susubukan namin sagutin kung kaya.