Since panget ang internet connection sa pilipinas, kailangan din ba ng mabilis na internet connection kapag balak mong may mining? Salamat
Wala namang kinalaman yung bilis ng internet connection sa pagpapabilis ng pag mine ng cryptocurrency. Kahit ikumpara mo yung mabilis sa mabagal tapos pareho ng setup ng mining rig pareho parin yung kalalabasan at kikitain mo, basta stable yung connection at hindi madalas ma disconnect. Ang makaka apekto lang sa bilis ng mining ay yung graphics card mo kaya kung mas marami kang gpu mas magiging profitable yung pagmimina mo. Ang problema lang kasi dito sa bansa natin ang mahal na ng kuryente ang mahal pa ng internet plans, kaya hindi ko na sinubukan pa mag mining.