Nagpaplano na ang government natin para sa isang nationwide information drive. The good thing here is kita naman ang concern ng government na hindi manatiling unaware ang maraming Pilipino about crypto at hindi makapanamantala ang nga scammers. Nangangahulugan din ito na kapag nagsimula na ang nationwide campaign to educate Filipinos, tataas for sure ang interest ng public s crypto. Looking forward to the rising of bitcoin's value. However, hindi pa agad agad madedeclare as legal tender sa Pinas ang bitcoin. Mejo mahaba pa daw ang tatahakin nating landas, pero sinusundan na nila ang mga hakbang na ginagawa ng China at iba pang bansa sa Europa sa pag-aaral sa dapat gawin ng government sa crypto.
http://news.abs-cbn.com/business/03/12/18/bangko-sentral-sec-to-educate-public-on-cryptocurrenciesBunga ito marahil na marami na rin kasing mga kilalang negosyante at personalidad dito sa Pilipinas ang nai-involve sa cryptocurrency. Ilan lang dito sila Lhuillier, Pangalinan, Pacquiao, Bediones at iba pa.
Sana hindi lang sa pag e-educate ang gawin ng gobyerno, pari na rin ang paglatag ng mga batas upang maiwasan ang pag gamit ng cryptocurrency sa mga ilegal na gawain.
Bukod sa mga ilegal na droga, prostitusyon, ilegal na sugal, malaki ang tyansa na gamiting paraan ito ng mga pulitiko para itago ang mga mananakaw nila sa gobyerno.
Sa totoo lamang, lahat ng katiwalian kahit saang bagay, kayang bistuhin at mahuli ng gobyerno. Kaya para sa akin, ang pagpapaigting ng batas para sa pag gamit ng cryptocurrency ay magiging gabay sa mga gumagamit nito na gamitin ito ng tama na siya naman talagang dahilan kung bakit naimbento ang cryptocurrency.