Paano malalaman kung scammer ang sinasalihan mo na airdrop or bounty.
#1. dapat meron itong twitter account
#2. Meron dapat telegram for community para pag oras na mgdistribute na ng token nila.. maka pag follow up ka
#3. website dapat meron din cla
#4. kailangan meron din cla whitepaper at roadmap para sa pag track mo nang project nila.
Idea ko lng po ito ha para po di naman po masasayang yung oras natin sa kaka fill-up. Sa mga my idea pa po kun pano po malaman ung mga scammer. Welcome po kayo magcomment. 😊
sa tingin ko puwede rin yang maging basehan at puwede ring hindi. Sa panahon kasi ngayo mauutak na ang mga mangga-gantso, gagawin ang lahat makapanloko lang ng tao. Gagawin nilang makatotohonan ang mga bagay bagay upang makaengganyo o maka-attract ng mga mabibiktima nila. Sa palagay ko mas maigi sigurong gawin ay ang pagiging attentive, at suriing mabuti ang mga sinasalihan na campaign o anumang negosyo na papasukin upang hindi mabiktima ng scammers.