Post
Topic
Board Pilipinas
Presyo ng Bitcoin sa Unang Quarter ng 2018
by
eldrin
on 30/03/2018, 22:57:27 UTC
 
 
Pag-usapan natin ang presyo ng Bitcoin sa unang quarter ng taon.


   


  • Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
  • Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
  • Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
  • Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
  • Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.


Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.

Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan?