tanong ko lang po, kasi 12 bounty campaigns ang sinalihan ko yung mga nagmamanage ay mga high rank na member, sa tingin nyo po ba lahat yan ay magbabayad o magdidistribute ng tokens pagkatapos ng campaign? o hindi basehan ang mga rank para sa legit na bounties?
ano po ang opinyon ninyo?
Hindi po basehan diyan ang rank kundi yung team mismo behind the ICO. Sila kasi ang magdidistribute ng payment at hindi ang manager, unless ang manager ang may hawak ng payment para sa participants o di kaya may escrow silang kinuha na magdidistribute nito. Ang mga managers wala silang say sa distribution. Ang ginagawa lang nila ay mag-manage at i-handle ang campaign. Kumbaga sila lang yung mga nagmomonitor nito, tulad ng pagcount sa stakes (kung base sa stakes system ang campaing), pagsagot sa mga questions ng participants, at pagtally at report sa team noong ICO kung ano yung result or final computation sa spreadsheet at ibibigay na nila yun doon sa team ng ICO para gawin.
Sa totoo lang po may mga humahawak ng campaign na newbie lang pero lahat ng participants nabayaran habang mayroon din mga mataas na yung rank, minsan legendary pa, pero hindi nababayaran yung participants. Why? Kasi nagkamali sila sa ICO na kinuha at minamage. So basically speaking, ang team ng ICO ang talagang may function para sa distribution. Unless, tulad nga ng sabi ko, kung ipapa-escrow nila yung payment.