marami akong katanungan sa kung naka.cashout ba ang naipong pera sa mga wallets?o hanggang sa online transaction na lng ba ito katulad ng online payment sa mga bills. o kailangang gumawa ng bank account pra macashout ito?
Kung bitcoins pwede po yan macashout gamit ang mga payment options dito sa atin na may ganyang features tulad ng Coins.ph, Bitbit.cash, at Rebit.ph. May mga mode of payments sila diyan na pwede mong piliin para maipalit mo ang bitcoins mo into cash at mawithdraw ito sa mga money transfering outlets tulad ng Cebuana, Palawan, M Lhuillier, etc. at maging sa mga bangko tulad ng BDO, BPI, China Bank, etc. Madali lang po yan basta makapagsign up ka sa kanila at maverify mo ang iyong account ay pwede na po yan. Ngayon pagdating naman po sa altcoins, kailangan mo muna po siyang i-convert into BTC or ETH at tsaka mo po siya pwede i-cashout sa katulad din na paraan na nabanggit ko sa itaas.