Hello mga kabayan.
Gusto ko lang mag vent out ng aking disappointment sa previous ICO bounty campaign na nasalihan ko. CryptoBnB. I had so much faith sa ICO na yun since unique naman din sya. Nag put in talaga ako ng effort at oras para lang din ipromote at magpost post sya. Super follow ako sa telegram. Pero sadyang mapait ang tadhana para sa ICO na yun. Just this morning nakita ko sa telegram nila na cancelled na ang ICO nila, irrefund nila mga investors, at ang masaklap ay di rin kami mababayaran. Dahil kasi nung pumasok sila sa bearmarket ang worth ng investment ay pumalo ng 1.5M USD ngayon nasa 800k USD nalang. Kaya halos d rin sila nakabawi. Hinayang din kasi dahil pang educational fund ng baby ko sana yun. P
May same experience ba kayo katulad ko?
Palagay nyo ba, worth it pa rin sumali ngayon sa mga campaign ? Considering how vicious the market is right now?
Sa totoo lang ma'am walang kasiguraduhan sa bounties at lahat yan risky kaya hindi maganda na i-focus mo lahat ng attention mo diyan. Kahit yun mga legit looking na bounties kalimitan din diyan nagiging scam kaya better kung talagang may isa ka pang work na regular at hindi ka didepende sa kanila. Ngayon since di ka na po nabayaran, move on nalang po at hanap ka muli ng iba pang campaign. Sa totoo lang marami na din po akong nasalihan na bounties na di ako nabayaran at pinakarecent ay itong sa Crassula Capital na halos inabot kami ng 2 months sa campaign pero inignore ko nalang po kasi ganun po talaga kapag hindi kumita ang ICO. Heto pa po ang ilan pa sa bounties na nasalihan ko na di ako nabayaran - S3ntigraph, Digi, SqPay, MilkCoin, Advance Pharmacy, Hire Match, Trending Me, Nereus, etc. Pero hinahayaan ko nalang po. Kasi alam ko yung risk ng pagsali lalo na at wala silang escrow. Kapag sumali ka po kasi sa campaign na walang escrow, nandoon na yung chance na di ka mabayaran at dapat yun alam po natin at willing nating tanggapin kung mangyayari. Sa ngayon move on nalang po tayo at hanap nalang muli ng iba pang campaigns. At tuloy na lang tayo sa pagsali sa iba.