Kung gagamitin nyo ito for thesis, mejo malabo yang parameters mo bro. Una, hindi defined kung pano mo masasabing 'cryptolover' ang isang tao. Nakabase ba yan sa laki ng investment o sa dami ng oras na nilalaan nya sa trading or scalping, etc? Very limited din ang pool of respondents mo pero buong Pilipinas yata ang gusto nyong gawan ng study. Marami ring into bitcoin outside of bitcointalk.org. Kinonsider nyo rin ba na mas mababa ngayon ang possible na bilang nyan dahil sa nagkalat ng mga FUDs, fake news and even bad news about bitcoin? Need mo muna ayusin mga yan bago ka makapagbigay ng intelligent guesses.