Profit? Parang pangarap na lang ata yan bosing, ang ROI nga hirap kunin eh profit pa kaya. Pero kung gusto mo talga mag mine na gusto mo ng malaking profit, dapat gagaya ka sa mga nauna. Nag mine sila noon eh hinohold nila yung namine nilang coins. Nung tumaas eh biglang yaman naman. Kung magmimine ka tas ibebenta mo agad yun yung sinasabi ko pangarap ang profit. Mismo sarili ko natanong ko eh kung bakit ako pumasok sa mining
Lang hiya talagang mga oligarko na yan, pinapahirapan tayong mga mamamayan. May pangkain na nga ako pang araw2x mababawasan pa ata. Kung totoo talagang madadagdagan ng piso yan malamang rally na naman. Sana may solosyan pa diyan, mga hindi nagmimine nga nag-iingay na tayo pa kaya?
Kung ako sa inyo invest na lng kayo ng coins na maganda at may bukas kesa magmine. Pero may kanya kanya tayong pag-iisip. Sa mahal ba naman ang mga machines para sa mining at magmamahal pa ang kuryente nyan, malamang mining is dead na nga ika nila.
Ang hirap talaga sa bansa natin ang pagmimine ng mga bitcoin dahil bukod sa malakas ang kuryente, mababa pa ang nakukuha kaya parang wala ding silbi. Passive income nga kung tawagin pero halos sa bill lang din naman napupunta yung mga nakukuha mo eh.
Isa lang naman kasi yung supply ng electricity natin eh kaya talagang mas mahal ang kanilang singil dahil wala namang kakompitensya. Maganda sana ang mining kung sa ibang bansa ka na may mura ang singil sa kuryente pero pwede naman kung may solar pannel ka na direct na talaga sa gamit mo sa pagmimine. Halos konti lang din ang nagsusuggest ng pagmimine sa Pilipinas dahil nga sa mahal ng kagamitan at lalo na ang kuryente.