marami akong katanungan sa kung naka.cashout ba ang naipong pera sa mga wallets?o hanggang sa online transaction na lng ba ito katulad ng online payment sa mga bills. o kailangang gumawa ng bank account pra macashout ito?
Maraming paraan para macashout siya kabayan , Kung ang wallet mo ay ERC20 wallet , magdownload ka ng coins.ph tapos isend mo dun yung Etherium na balance mo , tandaan mo lagi kada transakyon ay meron kaakibat na kabayaran . Ang Coins.ph ay suportado ang bitcoin at etherium coins . Kapag nakapagsend ka na ng mga coins or altcoins mo sa coins pwede mo mawithdraw ang mga ito. Maraming optiyonal na paglalabas ng pera sa coins.ph , meron silang cardless withdraw , meron din cebuana or remittances na accepted sila. Pwede rin direkta sa atm mo , nasa sayo na yan kung papano mo sya gustong icashout. Tip ko lang sa mga magccashout mas okay gamitin ang cardless withdraw dahil walang transaction fees.