Ang isa sa mga kakilala ko muntik ng ma scam niyan buti na lang at na introduce ko na sa kanya ang tungkol sa bitcoin, kaya naiwasan niya ito. Karamihan dyan nag memessage sila sa facebook, at tinatanong kung alam ba nila ang bitcoin. At kapag nalaman na nila na hindi alam. Saka sila mag ooffer ng kung anu anu. Kaya para po sa mga newbie ingat po kayo. Huwag basta basta magtitiwala sa hindi trusted na tao. Ang mga scammers ay nanjan lang naghihintay lang ng tamang panahon at oras upang maging isa ka sa kanilang biktima.