Nung unang labas ng video ni xian gaza tungkol sa bitcoin scam ay may ilang kababayan tayo nakapanood naalarma rin tungkol dito. Ngunit sadyang may mga pinoy na mahilig sumugal at madali mapaniwala na dodoble ang pera nila ng wala ginagawa. Kaya yung mga pinoy na naginvest ng milyon kay xian at sa newg ngayon ay nagdurusa napakalaki pera ang nawala sa kanila. Nakakaawa po sana natuto sila makuntento sa kung ano meron sila, nagisip at nagsaliksik bago sila naglabas ng pera at hindi nasilaw sa maari malaki kitain nila. Maging aral sana ito sa lahat ng mga pinoy at para hindi na dumami pa ang maging biktima ng mga scammer.