Hi coins.ph team. I am an employee of Grab. Sa customer service ako. Alam ko, out of the box tong tanong ko, dapat hindi ko ito itanong dito pero curious lang ako. Sa Grab kasi, kailangan ng mga driver ng top up or credit balance para makabyahe sila, may mga ibang driver kasi na coins.ph ang ibinigay imbes na gcash. Tanong ko lang kung magkakaroon ba ng feature ang coins.ph para magtransfer ng pera papuntang credit balance ng mga Grab driver? Ang daming kasing nagtatanong. Salamat.
Anu po gusto niyong e point out dito? Na pag may nag bayad sa inyo dun mapupunta sa account credit balance? As far as I know most of the grab drivers di tumatanggap ng e-currency they prefer peso bill.?
Hindi po. Like I said, may mga driver po kasi nagtatanong kung paano sila magtatransfer ng amount from coins.ph to their credit balance. Yung credit balance kasi ng mga driver, yun yung pondo nila. As you can see din naman sa app ng mga driver. Dun nagbabawas ang Grab ng commission. Wala akong tinutukoy na dun na papasok ang bayad ng mga pasahero. Ang driver, pwedeng tumanggap ng cash o credit yan. Sa grab kasi, wala silang bank account na pwedeng pasukan ng mga payment via credit card kaya binigyan sila ng gcash at coins.ph.