Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Tips para ma-secure ang (mga) Crypto Wallets natin
by
Dadan
on 28/04/2018, 16:25:53 UTC
Alam naman nating lahat na dapat maging aware tayo sa mga scams, hackers, etc. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng mababanggit dito eh applicable sa lahat. Depende pa rin naman yan sa bawat user.

Tips:

1. Maging Attentive - Dapat kung magbo-browse tayo sa internet eh kailangan maging maingat tayo sa mga pini-pindot natin lalo na pwede ito mag cause ng leakage ng data mula sa personal computer/s natin.

2. Virtual Private Network (VPN) - Pwede tayo bumili or mag download ng VPN para maging safe ang computer natin mula sa ibang taong gusto pasukin ang data na meron tayo sa system natin.

3. Backup - Hindi lang dapat sa computer natin naka indicate ang data tungkol sa wallet natin dapat meron din tayong backup na pwedeng ilagay sa isang dummy account ng e-mail or pwede rin naman nakalagay sa isang notebook
ang mahahalagang information ng crypto wallet na ginagamit natin (Dapat palagi itong nakatago at ikaw lang ang nakakaalam kung saan ito nakalagay).

4. Software Updates - Syempre hindi rin naman sapat ang VPN kung hindi naman siya updated, dapat updated din ang mga ginagamit natin katulad na lang ng Antivirus at Anti-malware softwares.

5. Two-Factor-Authorization - Dapat activated ang security system ng accounts natin diyan. Kung hindi pa, i-active sa settings ng account para masecure natin na tayo lang ang makakabukas ng wallets natin.

6. Privacy - Dapat very limited lang ang nakakaalam ng ginagamit mong crypto wallet at hindi dapat yon basta basta binabanggit sa social media or sa iba pang online sites.

7. Multiple Wallets - Hindi lang tayo dapat mag rely sa iisang crypto wallet. At least magkaroon tayo ng dalawa pa or tatlo depende kung paano ka mag invest at sumali sa mga campaigns, trades, etc.

Sana makatulong itong mga tips na ito at mag reply na lang po kung meron pa kayong maida-dagdag na information para sa ating mga kapwa crypto users.

sa multiple wallets ako pabor, karagdagan lamang mas maganda kung ibat ibang password ang ilalagay natin sa bawat wallet na ito. kapag nag sasave ako ng PK ko palagi kong inilalagay ito sa email at hindi nakasave sa desktop lamang

good yan dapat ibat ibang password ang ilalagay natin para kung sakaling mahack ang isa hindi lahat madadamay. dagdag ko lang rin yung pagsasave ng password sa personal computer natin dapat hindi kasi pwede ng maaccess ito ng mga hackers
Tama ka sir dapat talaga hindi pareparehas ang password natin kasi kung sakaling malaman nila ang tungkol dito at malaman nila na iisa lang ang password mo may posibilidad na makuha nila lahat ng accounts mo. At gaya nga ng sinabi mo sir wag isave ang mga mahahalagang bagay sa personal computer mo o cellphone kasi baka may makigamit ng computer o cp mo pwede nilang malaman ang mga account mo.
Tips ko lang din sa inyo ay dapat nakasave ang mga mahahalagang bagay nyo sa iisang secured na alam mong hindi nila alam, kasi yung akin sinulat ko sa isang yellow paper ang aking mga password at itinago ko ito.