Alam naman nating lahat na dapat maging aware tayo sa mga scams, hackers, etc. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng mababanggit dito eh applicable sa lahat. Depende pa rin naman yan sa bawat user.
Tips:
1. Maging Attentive - Dapat kung magbo-browse tayo sa internet eh kailangan maging maingat tayo sa mga pini-pindot natin lalo na pwede ito mag cause ng leakage ng data mula sa personal computer/s natin.
2. Virtual Private Network (VPN) - Pwede tayo bumili or mag download ng VPN para maging safe ang computer natin mula sa ibang taong gusto pasukin ang data na meron tayo sa system natin.
3. Backup - Hindi lang dapat sa computer natin naka indicate ang data tungkol sa wallet natin dapat meron din tayong backup na pwedeng ilagay sa isang dummy account ng e-mail or pwede rin naman nakalagay sa isang notebook
ang mahahalagang information ng crypto wallet na ginagamit natin (Dapat palagi itong nakatago at ikaw lang ang nakakaalam kung saan ito nakalagay).
4. Software Updates - Syempre hindi rin naman sapat ang VPN kung hindi naman siya updated, dapat updated din ang mga ginagamit natin katulad na lang ng Antivirus at Anti-malware softwares.
5. Two-Factor-Authorization - Dapat activated ang security system ng accounts natin diyan. Kung hindi pa, i-active sa settings ng account para masecure natin na tayo lang ang makakabukas ng wallets natin.
6. Privacy - Dapat very limited lang ang nakakaalam ng ginagamit mong crypto wallet at hindi dapat yon basta basta binabanggit sa social media or sa iba pang online sites.
7. Multiple Wallets - Hindi lang tayo dapat mag rely sa iisang crypto wallet. At least magkaroon tayo ng dalawa pa or tatlo depende kung paano ka mag invest at sumali sa mga campaigns, trades, etc.
Sana makatulong itong mga tips na ito at mag reply na lang po kung meron pa kayong maida-dagdag na information para sa ating mga kapwa crypto users.
Tama naman lahat ang iyong mga panuka kabayan, at makakatulong ito sa ating mga crypto lover, isang bagay pa ang nais kong idag-dag para sa mga bago sa forum, Iminumungkahi ko na maging maingat sa pagpili ng mga wallet na gagamitin, dahil kahit alam natin na maari nating gamitin ang isang wallet upang magimbak ng coins ay maari ding may gumawa ng kagaya nito upang manluko ng iba. Halimabawa ang myetherwallet. Noong bago pa ako dito napansin ko na maari kang gumawa ng eth wallet sa myetherwallet.com at may isa pa akong nakita, myetherwallet.net.
Dapat nating malaman kong anung mga palatandaan kong alin ang legit at hindi bago natin alamin ang mga tips kong paano magiging ligtas ang ating mga crypto wallet, at malaki ang maiitulong ng thread mo kabayan sa pagdating sa tips kong panu mapapanatiling ligtas ang ating mga wallet laban sa mga mapanlinglang na mga hackers.