Ano sa tingin niyo, dahil sa laki ng pagbagsak ng bitcoin at ngayon naman ay medyo hirap sa pag angat ang price, dahil ba nagsisi-alisan na ang mga whales ng bitcoin? At ang mga maliliit na traders nalang ang nagpapagalaw ng price nito kaya hirap itong umangat?
Share your opinions.
Sa totoo lang, unpredictable ang mga galaw ng mga whales sa crypto. Pwedeng strategy lang nila ang pagpupull-out (sa ngayon) ng kanilang pera sa cryptocurrency para lubhang bumaba ang volume nito nang sa ganun ay makahanap sila ng pagkakataon na makabili sa tinatawag na dip point na siyang magiging dahilan upang mag flacuate uli ang presyo ng mga coin sa cryptocurrency.