Ano sa tingin niyo, dahil sa laki ng pagbagsak ng bitcoin at ngayon naman ay medyo hirap sa pag angat ang price, dahil ba nagsisi-alisan na ang mga whales ng bitcoin? At ang mga maliliit na traders nalang ang nagpapagalaw ng price nito kaya hirap itong umangat?
Share your opinions.
Hindi natin pwedeng sabihin na porke bumagsak ng malaki ang value ng Bitcoin ay nagsisi alisan na ang mga big investors or whales na tinatawag, kasi wala namang paraan para malaman yun, so ibig sabihin nun wala kang basehan. Normal lang naman kasi na bumagsak ng malaki ang price ng Bitcoin lalo na kung mabilis din yung pag angat nito, and lahat ng nag iinvest dadating din yung time na kukunin nila yung profit nila and kapag may mga whales na nag benta nag kakaroon ng panic sa mga small investors kaya tuloy tuloy ang pag bagsak. Saka impossible na mawala ang mga whales sa cryptocurrency market, madami ngang pumasok na whales nitong nakaraan lang like rothschild, rockefeller saka soros kaya medyo naka recover ang value ng Bitcoin.
Tama, dahil maaaring may mga bad news lang na dumating about bitcoin kaya ito bumagsak. Nagkaroon ng ilang banning sa ibang bansa at syempre mararaming whales na nandon sa bansang iyon at maaaring sikat ang bitcoin sa kanilang bansa kaya't napagpasyahang tanggalin ang bitcoin sa kanila. Kung maraming whales ang umalis, siguradong bababa ito pero marami pa rin namang reason kaya nagcause ng pagbaba ang bitcoin.