Ano sa tingin niyo, dahil sa laki ng pagbagsak ng bitcoin at ngayon naman ay medyo hirap sa pag angat ang price, dahil ba nagsisi-alisan na ang mga whales ng bitcoin? At ang mga maliliit na traders nalang ang nagpapagalaw ng price nito kaya hirap itong umangat?
Share your opinions.
Sa totoo lang brad, kung ang resulta ng pagbagsak ng Bitcoin ay ang pag-alis ng mga whales, mas mainam na rin yun. Sa tingin ko mas maayos ang takbo ng galawan ng presyo ng Bitcoin kapag walang whales. Wala masyadong malaking pagalaw ng presyo kapag ang Bitcoins ay mas nakakalat sa maraming tao kaysa malaking bahagi nito ang nasa kamay lamang ng iilan.