Maraming salamat sa effort at tutorial mo sir malaking tulong po ito sa mga kagaya ko na Jr. Member na pwede na sumali sa mga bounties. Pero sir ano pa po ba ang mga kailangan i-set up pag nakasali na sa bounty? May mga iba pa bang kailangan i-ready pagkatapos ng bounty?
Pag nakasali ka na po sa bounty sundan mo na lang yung Rules. For example,

Ayan, nakasaad na dapat magkaroon ka ng 10 constructive post per week at least 60 characters na hindi pwede sa Bounties (Altcoins) saka 3 posts per day lang.
So within 1 week dapat makompleto mo yung requirement alinsunod sa Rules hindi kailangan na gumawa ka mismo ng bagong topic kasi counted din yung mga reply sa post. Pero siguraduhin na andun ka sa seksyon na allowed gaya ng Altcoin Discussion, Announcements (Altcoins), Tokens (Altcoins), Mining (Altcoins), Pools (Altcoins), Marketplace (Altcoins), Service Discussion (Altcoins), Service Announcements (Altcoins) at saka Speculation (Altcoins) basta hindi counted yung sa Bounties (Altcoins). Tapos nun meron ka nang 10 post kompleto na antay ka na lang para next week ulit no need na magreport ng mga activities mo ang bounty manager na ang bahala para tingnan kung nasunod ang mga nasa Rules.