Post
Topic
Board Altcoin Announcements (Pilipinas)
Re: ✅[ANN][ICO][PH] Eventum - Pinakaunang Protocol Para sa mga Desentrelisadong API
by
chitocrypto
on 10/05/2018, 08:38:16 UTC
Nang sinimulan namin ang aming proyekto noong 2017, hindi namin maiisip na magkakaroon kami ng mahigit 100,000 na rehistradong tao, libo-libo ang nagtangkang sumali sa aming kaganapang Eventum Alpha at madami ang gustong sumuporta sa aming proyekto at maging bahagi ng aming mga lakbayin - MARAMING SALAMAT!

Nagsimula kami ng madaming demo events na nagpapakita ng iba't ibang paggagamitan, mula sa pagiwas sa pekeng balita hanggang sa pagsasanay sa AI, nilabanan ang DDos attacks, ang paglago nang aming team, paglalakbay sa buong Asya at pakikipag usap sa madaming kompanya, proyekto at mga eksperto sa loob at labas ng mundo ng blockchain. Lumalago bawat araw ang kagalakan patungkol sa Eventum, at kami ay nasa yugto na ang interes sa pribadong bentahan ay napakalaki (lumagpas na kami sa aming soft cap ng maka ilang ulit) - kaya ngayon ay nagdesisyon kami na huwag na ituloy ang planong pampublikong bentahan ng token sa ika-15 ng Mayo.

Para mabasa ang mas malalim na eksplanasyon sa likod ng desisyon at malaman ang bagong pinalaking alokasyon sa ecosystem fund para sa komunidad na nagkakahalaga ng $5.5M, bagong Eventum Alpha na kaganapan, ang aming bagong miyembro ng grupo (tagapamahala ng pagsulong na galing sa bilyong dolyar na kompanya), ang nalalapit na roadshow at madami pa, basahin sa artikulo: Pagbabago sa bentahan ng Eventum token