Sa tingin nyo ba worth it pa ang mag mining?
Para sa mga nagbabalak mag mina at bumili ng mga GPUs o kung ano mang gamit nyo sa pagmimina , pakaisipin at pagmunimunihan nyo ng maraming beses kahit isang libo pang beses. Bakit ba marami na ang nagbebenta ng mga second hand ng GPUs? Marami kasi na nalugi , una dahil sa dumadami na ang mga nagmimina ng bitcoin or ng ethereum nagkakameron ng difficulties sa pagmina, imbes na patubo ka ay palugi. Pangalawa ay lugi ka pa sa pupuhunanin mo lalo na at pagkamahal ng kuryente at mura ngayon ang mga minimina mo. Mapapaisip ka na lang ng sana ibinili mo na lang ng ethereum.
Tama ba ako? Ang pagmimina lamang ay para sa mga may company lang? Kasi kung maliit lang puhunan mo para doon. Matagal tagal an gugulin nung oras.
Isiping mabuti ang mga bawat aksyon dahil hindi lang basta basta napupulot ang pera.
P.S. Baka may magalit sa post ko gusto ko lang makatulong sa mga baguhan sa mundo ng crypto, I'm just sharing my point of view , don't take it personally.
Isa akong miner, pero di ako galit nakangiti nga ako sa mga pinagsasabi mo.

Nag-bibigay ka ng advise e pero sa tingin ko wala kang karanasan sa pag-mimina... kasi 1M % di ka nag-mimina!
Kung ang iyong desktop ang gagamitin mo sa pag-mimina kahit pa may GTX 1080ti graphics card 'yon aabutin ka ng over 3 years bago mo mabawi gastos mo sa pagbili ng iyong desktop computer. Kasi di mo naman kakayanin mag-mina gamit ang iyong PC ng 24/7... so baka nga abutin ka pa ng 10 years... iyon e kung in good condition pa ung computer mo. Pero di ka naman lugi kasi ginagamit mo naman ung computer mo sa pag-ba-bounty, fb at iba pa.
Common sense lang kasi... kung walang nag-mimina di uusad ang Bitcoin, Ethereum at kahit anong coins. Malaking papel kasi ang ginagampanan ng papel miners sa evolution ng crypto.
hahaha. Alam ko po yung tinutukoy nyo. Ang tinutukoy ko po ay hindi yung gumagamit lang ng desktop kundi yung may rig. Tama po kayo sa sinasabi nyo na di uusad ang blocks kung walang mag mimina, kaya ko nga po nabanggit may mga kumpanya na nagmimina na maramihan yung kanilang rigs , yung iba pa nga ay sa warehouse nakaset at nasa malalamig na lugar. Ang akin lang po yung tinutukoy ko eh ay yung maliliit lang ang puhunan na pumapalo sa 500k php, Yung ROI nya is medyo matagal.