Post
Topic
Board Pilipinas
Blockchain Technology na nasa likod ng Bitcoin: tinatangkilik na dito sa atin!!!
by
emig
on 22/05/2018, 13:49:19 UTC
Ngayong darating na Mayo 28 ay pormal na pasisinayaan ang Blockchain Association of the Philippines na pinamumunuan ni Justo Ortiz na siya ring chairman ng Unionbank.  Isa itong positibong hakbang para sa ating bansa, na nagpapakita na hindi na tayo napapahuli sa teknolohiya na makakatulong sa pagpapabilis at pagpapa-ayos ng sistema ng ating mga bangko.
     Isipin na lamang na kung maisasagawa ang proyektong ito ay kaya nitong ibaba mula sa 20 hanggang 3 hakbang na lamang ang mga nakagawiang transaksyon sa bangko.  Tunay na malaking pagsulong ito para sa atin at pagtitipid na rin ng oras.  Tinanggap ng Unionbank ang hamon at pag-asang inaalok ng "blockchain teknology", anupat naglalayon sila na dagdagan pa ang mga programmer nila na naka-focus dito na tinatayang aabot sa 100 sa pagtatapos ng taong ito at aabot ng 20,000 sa susunod na dalawang taon.
    Sana hindi lang sa sistema ng banko i-apply ang blockchain technolgy dito sa ating bansa, kundi sa ibat-ibang serbisyo na maaring mag-benefit dito.

    Ikaw ka-crypto may naiisip ka bang mga bagay na kung saan pwede gamitin ang "blockchain technology" na siyang naging backbone ng BITCOIN?  Share mo dito!!!

source: http://news.abs-cbn.com/business/05/21/18/unionbank-to-link-rural-banks-using-blockchain