Post
Topic
Board Pilipinas
Re: ❗❗❗ [MUST READ] Malaking paalala lang para sa mga kabayan.
by
ChardsElican28
on 23/05/2018, 12:23:54 UTC
Hi mga kabayan! Magandang araw sa inyong lahat.

Alam ko karamihan saatin dito ay nag invest sa bitcoin at iba pang cryptocurrency, at naghihintay ng "moon" o malaking price increase upang tayo ay magka-profit; lalo na sa mga traders jan.

Paalala ko lang po na habang naghihintay lamang po tayo ng price-increases, gamitin nating itong oras na to para siguraduhing secure ang ating mga investments. Sigurado ako marami sainyo na sa Coins.ph nila iniwan ang kanilang mga investments. Oo, malaki ang aking respeto sa coins.ph dahil binigyan nila tayo ng madaling paraan upang madali bumili at magbenta ng BTC at ETH. Un nga lang, paalala ko lang po na pag lahat ng coins natin ay nasa coins.ph, e hindi totally secure ang ating investments.

Bakit?
  • Ang coins.ph ay isang malaking exchange dito sa Pinas. Ibig sabihin, gaya ng karamihan ng exchanges gaya ng Binance, Bittrex, etc, maraming hackers ang sumusubok na nakawin ang mga coins nitong mga exchange.
  • Hindi natin hawak ang private key(s) natin sa coins.ph. Meaning, pag nahack ang account mo o pag nahack ang coins.ph(pero wag naman sana), wala ka ng way para marecover ang coins mo.

Paalala lang po na gumamit po kayo ng sarili nyong wallet na may access kayo sa recovery seed/private keys nyo.

 Software Wallets(Desktop): Armory, Bitcoin Core, Copay, Electrum, Exodus
 Software Wallets(Mobile): BRD(BreadWallet), Copay, Cryptonaut, Electrum, Mycelium, Samourai
 Hardware Wallets: Digital Bitbox, KeepKey, Ledger, Trezor

AT WAG NA WAG NYONG ISASAVE ANG RECOVERY SEED NYO SA NOTEPAD, MS WORD, NOTES APP, ETC. ISULAT LAMANG ITO SA PAPEL.

Pakikalat lang po sana itong impormasyon para po matulungan ang ating kababayan.



Kung interesado po kayo, meron po kaming iilang guides sa aming site:

Grave talaga kahit anu gagawin nila para lang maka hack ayaw na talaga maghirap gusto madalian. Sana dumating ang time nag Hindi dumating sa kanila Yan. Kaibigan salamat sa paalala mo dahil Dito baka unti untiin Kuna ang laman nang coin.ph ko mahirap na baka mauwi iTo sa wala thank you kaibigan......