Post
Topic
Board Pilipinas
Re: ❗❗❗ [MUST READ] Malaking paalala lang para sa mga kabayan.
by
Zandra
on 25/05/2018, 04:08:40 UTC
Hi mga kabayan! Magandang araw sa inyong lahat.

Alam ko karamihan saatin dito ay nag invest sa bitcoin at iba pang cryptocurrency, at naghihintay ng "moon" o malaking price increase upang tayo ay magka-profit; lalo na sa mga traders jan.

Paalala ko lang po na habang naghihintay lamang po tayo ng price-increases, gamitin nating itong oras na to para siguraduhing secure ang ating mga investments. Sigurado ako marami sainyo na sa Coins.ph nila iniwan ang kanilang mga investments. Oo, malaki ang aking respeto sa coins.ph dahil binigyan nila tayo ng madaling paraan upang madali bumili at magbenta ng BTC at ETH. Un nga lang, paalala ko lang po na pag lahat ng coins natin ay nasa coins.ph, e hindi totally secure ang ating investments.

Bakit?
  • Ang coins.ph ay isang malaking exchange dito sa Pinas. Ibig sabihin, gaya ng karamihan ng exchanges gaya ng Binance, Bittrex, etc, maraming hackers ang sumusubok na nakawin ang mga coins nitong mga exchange.
  • Hindi natin hawak ang private key(s) natin sa coins.ph. Meaning, pag nahack ang account mo o pag nahack ang coins.ph(pero wag naman sana), wala ka ng way para marecover ang coins mo.

Paalala lang po na gumamit po kayo ng sarili nyong wallet na may access kayo sa recovery seed/private keys nyo.

 Software Wallets(Desktop): Armory, Bitcoin Core, Copay, Electrum, Exodus
 Software Wallets(Mobile): BRD(BreadWallet), Copay, Cryptonaut, Electrum, Mycelium, Samourai
 Hardware Wallets: Digital Bitbox, KeepKey, Ledger, Trezor

AT WAG NA WAG NYONG ISASAVE ANG RECOVERY SEED NYO SA NOTEPAD, MS WORD, NOTES APP, ETC. ISULAT LAMANG ITO SA PAPEL.

Pakikalat lang po sana itong impormasyon para po matulungan ang ating kababayan.



Oo tama ka hindi mo talaga sigurado kung secured ba ang pera mo sa wallet, coins.ph kasi ang pinaka malaki at kilalang exchange dito sa Pilipinas kaya may posibilidad na may mga magtatangka na i-hack ito. Ako kasi diko nilalagay lahat sa coins.ph may iba't-ibang wallet ako para sa mga assets ko para kung sakali.

Magandang paraan yan kabayan para kung sakaling may masamang mangyari ay may ibang assets kapa diba? May kasabihan nga na don't put your all eggs in one basket para kung sakali may magtangkang magnakaw ay may matitira pa rin.