Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Nakababahala ang KYC, Bakit?
by
BALIK
on 27/05/2018, 15:15:06 UTC
Alam natin na ang KYC o ang Know Your Customer ay nakababahala. Ngunit marami ngayon ang nangangailangan ng KYC.

Ang KYC ay risky dahil ibibigay mo ang iyong pangalan, address, birthdate, proof of residency at official ID.

Ito ay nakababahala kung may nagnakaw ng iyong personal na impormasyon at ikaw ay mabiktima ng identity theft.

Kaya mag-ingat tayo mga kabayan!
Ang pag-aalala ko lang naman sa KYC ay sana manatiling kompidensyal 'yung mga impormasyon ng mga taong kabilang dito sapagkat kapag nagkaroon ng mga cyber attack ay siguradong magiging kawawa 'yung mga taong sumunod sa patakaran na tulad nito. Ang mga impormasyon natin ay maaari kasing magamit sa mga ilegal na bagay at maaari tayong makulong dahil sa mga bagay na hindi naman natin ginawa.
Hindi maiiwasan yan, kahit sa mga trusted company pa, karamihan sa mga nakikita ko eh yung mga nasa call center agent or staff ng bangko, binebenta nila yun or ginagamit yung impormasyon mo, kaya hinay-hinay lang sa pag submit ng impormasyon mo lalo't na iba na ang panahon ngayon.