Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
by
The Monkey King
on 06/06/2018, 12:44:26 UTC
Mga kababayan may plano na ba kayo sa inyong mga CRYPTO WALLET kung kayo ay biglang namatay ? Alam natin na hindi natin madadala sa langit ang MEW natin pag tayo ay pumanaw na. At alam ko ang mga pamilya natin ay hindi alam ang crypto o kaya ay hindi naniniwala dito. Kaya ito ang aking opinion sa aking back up plan.

1. Isusulat ko sa notebook ko ang lahat ng website na magagamit nila para maipag patuloy ang nasimulan ko (ex. bitcointalk.org; altscoinstalk)
2. Isusulat ko din ang mga private key at password ko sa notebook para safe. At papayuhan ko kung gaano ka importante ang mga naka sulat duon at gaano ka halaga at ka sensitibo ang private key
3. Syempre di natin ma eexplain lahat at tatamadin tayong magsulat sa notebook. I point out nalang natin ang mga makaka tulong sa kanila para maintindihan nila mabuti ang mga galawan/step sa crypto. Mas mainam na ilagay ko nalang ang website link ng mga videos sa youtube para mas maintindihan nila.

Kung may maidadag pa kayong plano share nyo namin sa amin mga kabayan.

Ang disadvantage lang nyan ay pano kung may ibang makakuha ng notebook mo pag namatay ka. Mas maganda na habang buhay pa tayo ipaliwanag na natin sa kanila kung ano ang bitcoin at ang layunin nito para pag dumating yung panahon na yun hindi na sila mahihirapan intindihin yun at hindi na sila hihingi ng tulong sa iba na maaaring kunin din ang pera inipon mo. Ilagay mo lahat ng important keys etc. sa isang safe o vault at pamilya mo lang ang nakakaalam ng code.