Mga kababayan may plano na ba kayo sa inyong mga CRYPTO WALLET kung kayo ay biglang namatay ? Alam natin na hindi natin madadala sa langit ang MEW natin pag tayo ay pumanaw na. At alam ko ang mga pamilya natin ay hindi alam ang crypto o kaya ay hindi naniniwala dito. Kaya ito ang aking opinion sa aking back up plan.
1. Isusulat ko sa notebook ko ang lahat ng website na magagamit nila para maipag patuloy ang nasimulan ko (ex. bitcointalk.org; altscoinstalk)
2. Isusulat ko din ang mga private key at password ko sa notebook para safe. At papayuhan ko kung gaano ka importante ang mga naka sulat duon at gaano ka halaga at ka sensitibo ang private key
3. Syempre di natin ma eexplain lahat at tatamadin tayong magsulat sa notebook. I point out nalang natin ang mga makaka tulong sa kanila para maintindihan nila mabuti ang mga galawan/step sa crypto. Mas mainam na ilagay ko nalang ang website link ng mga videos sa youtube para mas maintindihan nila.
Kung may maidadag pa kayong plano share nyo namin sa amin mga kabayan.
Ganyan din naman ang aking ginawa, nag print ako ng ilang pages na nakalagay doon lahat ng impormasyon na kakailanganin nila kapag akoy biglaang pumanaw at nagrerent ako ng Locker para sa mga sinsetibong papeles na meron ako at syempre binigyan ko ng access ang aking mapagkakatiwalaan. Pero syempre habang ako'y nabubuhay pa onti-onti ko itong tinuturo sa aking mga kapatid upang magamit at mapakinabangan nila ang aking naiwanan, maaari din naman nilang ipagpatuloy ito sang-ayon sa kanilang kagustuhan.