
Ang kasaysayan ng pera ng Pilipinas
Ang regulasyon ng mga crypto, tingin ko ay malapit ng maayos at maisasabatas rin ( siguro sa loob ng 10 taon o mas mababa pa).
Sa hinaharap, ang bawat Bangko Sentral sa buong mundo ay magkakaroon ng sariling crypto.
At long-term trend, ang inisyu rin nila ang gagamitin natin.
Opinyon ko lang nmn ito. Ano sa palagay nyo?
Gusto ko yung ideya na magkakaroon yung bawat bansa ng crypto pero may mga nakikita akong mga suliranin. Kung crypto kasi ang gagamitin ibig sabihin wala ng normal na pera, kailangan ang tao ay may kanya kanyang device para makapagtransact at sa kalagayan nating ngayon, eh imposible yun gawa nga ng pagkain lang kinakapos pa yung iba, device pa kaya. Ang ikalawa ay mayroon tayong pandaigdigang suliranin sa enerhiya. Alam naman natin na napakamahal magmina dito sa ating bansa at kung isasama pa ang crpyto ay tataas lalo ang demand at tataas din ang presyo ng kuryente. Ibig sabihin apektado pa rin ang normal na mga tao. Siguro matatagalan pa bago mangyari ang pangarap natin na magkaroon ang kanya kanyang bansa ng crypto at kulang ang 10 taon para mapatupad yun sapagkat laging huli ng 10 taon ang teknolohiya dito sa Pilipinas.