Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Binary System Sa Bitcoin
by
_zion
on 12/06/2018, 07:04:25 UTC
     Napapaisip talaga ako kung paano at kung saang application ginagawa ng mga programmer ang mga program na relate sa BTCitcoin, tulad na lang ng mga wallet addresses, keys, isama na natin ang BLOCKCHAIN at ang infinite number ng Bitcoin na napoproduce ng mga Miners. Aminado akong hindi pa ganoon kalawak ang aking kaalaman sa mundo ng CRYPTO, kung kaya naman sinasaliksik ko ang bawat sulok kung saan ito nagmumula, kung paano ito nagawa, at kung papaano ito tumatakbo sa pangkasalukuyang markets ngayon.
Bagamat ako'y may kaunting nalalaman din sa programming at maging sa business related na sitwasyon ay hindi ito naging sapat upang matugunan ang ninanais kong kasagutan.

     Isa na lamang sa gusto kong malaman ay ang tungkol sa MINING, hindi ko alam kung totoo, ngunit nabalitaan kong CMD lang ang gamit nila upang makapagmina at makita ang kasalukuyang bilang ng kanilang kinikita. At kung sa mga Wallet Addresses naman ay natitiyak kong lahat ng ito ay nakalista sa SQL Server na syang nagiging basehan upang hindi maulit ang pagGenerate ng Arithmetic Codes para sa Addresses.

     Ngayon, nais ko sanang buksan ang paksang ito upang makakalap ng mga impormasyong makakatulong para sa aking pagaaral sa Crypto mula sa mga myembrong may alam dito.

  Sa aking palagay maganda itong stratehiya dahil maraming tao ang makakagawa ng sarili nilang stratehiya king pano kumita at maganda ito dahil malaking pera ang magagawa nito at dahil don maraming tao ang matutulungan at mabibigyan ng hanapbuhay.