Magandang araw mga kababayan.
Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.
May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.
Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.
Ewan kasi ako nung nagbukas ng bank account sa bdo di ko binanggit ang crypto bilang source funds ko. May balita kasi dito noon na sinabi nyang galing sa bitcoin ung pera nya sa bank account ayum hinold ung account nya.