Magandang araw mga kababayan.
Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.
May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.
Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.
Kung bank accounts lang naman, ang alam ko jan ee wala na silang kailangan pang malaman kung saan ang source ng income mo. Pagtinanong sabihin mo na lang na galing sa online business. Check mo rin yung mga style ng mga yumaman sa mga network marketing, tingin ko pareho lang naman ng scenario.
Kapag ba sinabi mung online business ang source of funds mo eh hindi kana kukulitin pa kung anong online business ang ginagawa mo? baka kasi kapag ganun ang sinabi mo kulitin ka ng kulitin? matagal kunang balak mag open account sa bdo pati sa bpi kaso baka i-reject lang din ako dahil cryptocurrency ang source of funds ko?