Marami na talaga ang pumapasok sa mundo ng crypto at dumadami na rin ang nag iinvest sa ibat-ibang crypto coins, sa kasamaang palad ay kulang sila sa knowledge about dito at di nila alam kung kailan ba ang tamang pagbili at pagbenta nakakalungkot na marami ang nag ffailed sa crypto pero ang solusyon lang naman dito ay ang pag pupursiging pag aaral upang hindi magkamali, di na talaga mawawala ang risk sa crypto pero mababawasan ito sa matinding pananaliksik at magagandang statehiya.
Ang alam lang kasi nila, yung basic. Buy low and sell high. Hindi nila inaaral yung coin kaya, kapag bumaba ng bumaba ang presyo ng coin kesa nung binili nila, manlulumo na agad. Yan kasi talaga ang dapat. Mag-research muna bago pasukin mo ang isang bagay. Parang estudyante lang yan e, tuturuan muna bago pakuhain ng exam. Wala kang isasagot sa exam kung wala kang natutunan. Hindi porket alam mo yung basic, alam mo na lahat. Tandaan, sugal ang pag-iinvest at pagtetrade.