Ang sa akin lang, wag sana kayo mag concentrate na magbigay lang ng merits duon sa mga nagpopost ng info about bitcoin or cryptocurrency.
Kasi lahat naman yan ay available sa google. Kung talagang gusto mo mag research about crypto, usually naggu-google muna tayo. Hindi naman kaagad alam ng tao yung bitcointalk o kung anu pa mang forum yan.
Di ako against pero may point naman. Usually ang mga topic naman is about sa crypto, kaya walang masisisi. Tapos kung mag tatanong, siguraduhing nagisip muna o di kaya ni research muna pero di makita ang sagot. Mas gaganda ang forum pag laging ganon.
Sana kahit yung may mga naiambag na maganda dito sa forum: example sumagot sa mga katanungan ng ibang poster, mag assist sa problema ng iba, magandang palitan ng kuro kuro, etc ay mabigyan din ng merits.
Ganito naman talaga dapat, hindi dapat close minded ang mga tao, kung satingin nilang "ayos tong post na to ah" pwede namang mamigay ng merit bilang pagpapakita ng respect at ganahan ang iba gumawa ng magagandang content.
Yup sang ayon ako sayo, dapat talaga mag tulungan sa merits basta okay naman ang posts yung tingin natin ay pwede na mabigyan ng merit ay dapat bigyan kahit 1 merit lang basta informative ang sagot makakatulong na sa tulad kung Jr. member na kahit umabot lang sa Member rank.
Totoo ito, pero huwag tayong lalayo sa standards. Hindi naman pwede yung pwede na, gets niyo ko? Kasi madami pa ding posts dito na sobrang helpful lalo na 'tong thread na to. Kung mauubos lang ang merits natin sa mga 'pwede na' posts aba'y ano nalang ang maibabahagi natin sa mga extraordinary poster?
"standards" sabi mo kaibigan. Ano nga ba ang batayan natin ng "standard"? Kahit dito sa rules ng forum mismo, wala akong nabasa na sinasabi kung ano ang "standards" na dapat sundin.
kasi pag sinabi mong "standard", dapat may basehan ka. May criteria kang sinusunod para makapagbigay ng tamang merito. At kung yung total points na yan ay naabot yung minimum criteria na na-set, pwede mo masabi na nasa "standard" ito.
Kung wala ka basehan ng "standard" ay magiging subject to one's own interpretation yan. At dahil dyan, iba iba tayo ng interpretasyon nang kung ano ang "standard". Posible na yung "ok" sayo eh hindi "ok" sa akin at yung "ok" sa akin ay hindi "ok" sayo. Dyan nagkaka problema sa "ambiguity" (paki google nalang. Hindi ko alam tagalog nyan. nyahaha)
Hanggang wala yang criteria na yan, mahirap masabi kung ano ang "standard". At dahil dyan, baka mapanis lang yung mga iniipon nyong smerits sa kaka antay ng "extraordinary poster".

PS: sabi mo din "madami pa ding posts dito na sobrang helpful lalo na 'tong thread na to". As per checking, wala kahit sinong nagbigay ng "merit" sa thread starter. Andaming mga nag comment na may merits (ibig sabihin meron din sila smerit), pero ni isa wala nag bigay ng merit kahit sila mismo nagsasabi na ok, sang ayon sila at helpful yung thread. See the hypocrisy. Kung meron lang ako smerit, hindi ako magdadalawang isip bigyan yung OP. lol