maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.
Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.
Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Hindi naman talaga advisable sa mga newbie or beginners na diretso mag invest sa online or digital world specially when it comes to a very volatile investments like the given one which is bitcoin. Kailangan talaga pag aralan ang market or kahit anong investment na papasukin, first and foremost magiging foundation mo ang knowledge mo about sa bagay.
wala naman problema yun kahit newbie ka palang dito at gusto mong pasukin agad ay ang investing, ang mahalaga baka sumabak dun ay may sapat na kaalaman kana kasi hindi biro ang maglagay ng pera sa hindi mo alam kung papaano gagalaw ang pera mo