Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Source of Funds
by
BALIK
on 20/06/2018, 09:49:07 UTC
Magandang araw mga kababayan.

Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.

May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.

Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.
Kung magbubukas ka man ng bank account ang ang source of income mo ay crypto wag mo nalang sabihin na crypto dahil di ka papayagan na makapag bukas ng account, at kung may bank account kana wag mo din sasabihing crypto ang income mo dahil ipapasara nila ang bank account mo
Marami nakung nakita dito na ang account nila sa bangko eh na closed pero na resolbahin din naman kailangan mo nga lang ipaliwanag doon sa branch ng banko na yun kung ano talaga ang bitcoin or kontakin yung pinaka head sa bangko na yun, karamihan kasi sa mga branch ng bangko rejected ka kagad kapag sinabi mung bitcoin source nanggagaling ang income mo, pero yung ibang bangko okay lang naman kahit bitcoin ang pinagkakakitaan mo, kung may business kang iba pwede mung gawin yun source of income para mapadali ang pag open ng account mo sa mga banko.