Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Source of Funds
by
zmkriel
on 20/06/2018, 15:34:15 UTC
Magandang araw mga kababayan.

Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.

May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.

Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.

Months ago nag apply ako ng credit cards at dahil kakilala ko naman ang employee ng bank at nung tinanong nya ako kung saan nanggagaling ang funds ko dahil isa yun sa requirement ng bank, hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin sa kanya na nanggagaling sa cryptocurrencies ang funds ko. Hindi ko lang alam kung kung idea na talaga sya about crypto at nagkukunwari nalang siya na wala siyang alam. Pero wala naman naging problema sa applications ko ang pagsasabi ko ng totoo.